Isang capacity-building training ang isinagawa para sa mga Nutrition Support Groups (NSGs) at iba pang mga tagapagtaguyod ng nutrisyon tungkol sa Lactation Management Education (LMET).
Ang unang batch ay nag-umpisa noong October 9, 2024 sa SB Session Hall at nakatakdang matapos sa October 11, 2024.
Ang kasunod na batch ay aattend sa October 16-18, October 22-24, at November 5-7 sa Balon Bayambang Events Center.
Sa kanyang pangunang mensahe, nabanggit ni Municipal Administrator, Atty. Rodelyn Rajini S. Vidad, ang kanyang mga karanasan bilang isang lactating mom.
“Breastfed children are smart,” pagdidiin niya. “Breast milk is a gold liquid.”
Hinikayat din ni Atty. Vidad na maging open ang mga taong nakakita ng nagpapasusong ina sa public spaces. “Let’s normalize breastfeeding,” aniya pa.
Naging resource speaker sina Melita Castilo, Pangulo ng Nutritionist Dietitian Association of the Philippines – Pangasinan Chapter; Marina Penoliar, RND, District Nutrition Program Coordinator; Lady Philina Duque, Nurse III ng RHU II.
Kanilang tinalakay ang mahahalagang kaalaman tungkol sa lactation management at mga intervention na may kinalaman sa nutrisyon upang mapabuti ang kalusugan ng mga sanggol, bata, buntis, at nagpapasusong ina.
Tinalakay lalo na ang kahalagahan ng gatas na galing sa nanay o breastfed milk at ang tamang pagpapa-inom nito sa mga bata. Tinalakay din dito ang sampung utos ng successful breastfeeding.
Ang training ay may 55 na attendees, kabilang ang mga BNS, BHW, at ilang RHU staff.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng Philippine Multi-Sectoral Nutrition Project (PMNP-Like), na may layuning palakasin ang kakayahan ng mga “Nutrition Support Group Members” at iba pang mga manggagawa sa kalusugan at nutrisyon sa ating munisipyo.
Ang pagsasanay ay pinamumunuan ng Municipal Nutrition Action Office. (Angela Suyom, Angel P. Veloria/RSO; AG)