Sinimulan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ang isang serye ng tatlong araw na Disaster Risk Reduction and Management Course for Public Sectors sa pangunguna ni LDRRMO Genevieve N. Uy ngayong araw, ika-7 hanggang Mayo 9, 2025 sa Balon Bayambang Events Center.
Ang naturang pagsasanay ay dinaluhan ng mga Barangay Secretary, Barangay Treasurer, Committee Head on Disaster and Environment, Chief Tanod, BHW, BNS, Child Development Worker, SK Chairman, at SK Committee Head on Disaster and Environment mula sa 77 barangay ng bayan at ilang piling empleyado ng munisipyo.
Kabilang sa mga resource speaker ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya: Ms. Virgie Pablo mula sa Office of Civil Defense (OCD-Region 1); Ms. Vilma Vecino ng DENR Mines and Geosciences Bureau (MGB); Mr. Greg de Vera II mula sa DOST-PAGASA; Ms. Yuzza Fatima Bangsa at Mr. Ron Sarmiento mula sa Philippine Red Cross San Carlos Chapter; at sina FO1 Josi Mari Cayago, FO1 Stancris Nigel Caoile, at FO2 Mark Andrew Gumagay ng Bureau of Fire Protection (BFP) Bayambang.
Layunin ng kursong ito na palalimin pa ang kaalaman at kakayahan ng mga lingkod-bayan pagdating sa DRRM upang mas maging maagap, handa, at epektibo sa pagharap sa iba’t ibang uri ng sakuna — mapa-baha, lindol, sunog, o iba pang banta sa buhay at kaligtasan. Sa pamamagitan ng mas malalim na kaalaman sa disaster preparedness, response, mitigation, at rehabilitation, masisiguro ang kaligtasan ng bawat isa at ang resiliency ng buong komunidad.
Ang hakbanging ito ay bahagi ng commitment ng Pamahalaang Lokal ng Bayambang sa pagbibigay ng Total Quality Service para sa lahat ng Bayambangueño, lalong-lalo na sa panahon ng krisis.
Ang iba pang batch ay nakatakdang lumahok sa pagsasanay sa mga susunod na buwan, kaya’t inaasahang matatapos ang buong serye ng training sa Oktubre 2025. (Caryl Nikki Agdeppa/KB/RSO; AG)