Ito ay isang magandang balita para sa mga nakatira sa mga Barangay ng Inanlorenza, Idong, Inirangan, Reynado, Warding, Ambayat 1st, Ambayat 2nd at Managos dahil nakumpleto na ang mga distribution line expansion projects sa kanilang lugar. At madadagdagan pa ang water production capacity na 1.7 million liters per day ng BayWaD dahil sa matagumpay na well drilling sa Barangay Mangayao. Ang lupang pagtatayuan ng deep well at pumping station sa Barangay Mangayao ay ipinapahiram nina Mayora Niña Jose-Quaimbao at former Mayor Cezar T. Quiambao sa BayWaD sa pamamagitan ng isang usufruct agreement.
*Samantala, patuloy pa rin pagsasagawa ng well drilling sa mga Barangay ng Ambayat 1st, Inanlorenza, at Manambong Parte para sa service area expansion ng BayWaD.
At di pa tayo diyan nagtatapos, dahil ang mga proyekto ng BayWaD dahil nakalatag na ang iba’t ibang development projects sa susunod ng limang taon.