Serbisyong GUICOnsulta, sa Bayambang Nagpunta

Sinuyod ng GUICOnsulta Team sa pangunguna ni Gov. Ramon Guico III ang 77 na barangay ng Bayambang noong January 20-21, 2025 upang maghatid ng libreng serbisyo medikal katuwang ang Team Quiambao-Sabangan sa ilalim ni Mayor Niña Jose-Quiambao at Dr. Cezar Quiambao.

Bukod pa sa libreng konsultasyon at gamot, nakatanggap din ng tig-P300 ang lahat ng Bayambangueño na 18 anyos pataas bilang kanilang pamasahe at allowance sa araw ng kanilang iskedyul.

Mayroon pang school supplies para sa mga daycare learners at libreng lugaw para sa lahat hatid ng Guicosina.

Kasama sa mga naglibot ay sina Vice-Governor Ronald Lambino, Congresswoman Rachel ‘Baby’ Arenas, 3rd District Board Member Vici Ventanilla at BM Shiela Baniqued kasama si Board Member Raul Sabangan bilang kinatawan ni Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, mga konsehal ng bayan, at ang mga special guests na sina Nazer Junio, Engr. Zerex Terrado, Jocelyn Espejo at Vandave Paragas.

Bumisita rin si Dr. Bobby Estrella ng ABONO Party list at namahagi ng fresh eggs sa mga PWDs, senior citizens, at ilang farmers.

Aliw at kilig naman ang hatid ng panghaharana ni Gov. Guico para sa lahat ng Bayambangueñong dumalo. (SUG; photos: Rob Cayabayab)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NIÑAAROTAKA