Patuloy na inilalapit ng Local Civil Registry Office (LCRO) ang mga serbisyong pang-civil registration sa pamamagitan ng programang “Your Name, Your Right” na isinagawa sa Barangay Reynado noong Hulyo 8, 2026 at Barangay Apalen ngayong araw, Hulyo 9, 2026.
Nagbigay ng opening remarks sina Punong Barangay Hon. Alexander R. Arcinas ng Barangay Reynado at Punong Barangay Hon. Renante A. Agustin ng Barangay Apalen, kung saan kanilang hinikayat ang mga residente na samantalahin ang mga serbisyong inilalapit ng pamahalaan.
Samantala, nagbigay ng orientation si Municipal Civil Registrar of Bayambang, Mr. Ismael D. Malicdem Jr., hinggil sa kahalagahan ng tamang civil registration at mga proseso sa ilalim ng civil registry.
Matapos ang orientation, naghatid ang LCRO ng iba’t ibang mobile services kabilang ang late registration ng kapanganakan, kasal, at kamatayan; Birth Registration Assistance Project (BRAP); pagwawasto ng mga rekord; Affidavit to Use the Surname of the Father (AUSF); legitimation; supplemental reports; at pagtanggap ng mga aplikasyon para sa Libreng Kasalang Bayan.
Bilang bahagi ng programa, isinagawa rin ang data capture para sa upgraded Community Service Card, kung saan 8 residente ng Barangay Reynado at 13 residente ng Barangay Apalen ang sumailalim sa pagpaparehistro.
Layunin nitong mapadali ang pagtanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng ugnayan ng LGU at GCash.
Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na naihahatid ng lokal na pamahalaan ang mabilis, episyente, at mas malapit na serbisyo sa bawat mamamayan. (LCRO; LCRO)








