Ang lokal na pagdiriwang ng Senior Citizen’s Week ay binuksan ngayong araw, October 9, 2023, sa Balon Bayambang Events Center, sa temang “Resilience of Older Persons in a Changing World.”
Ang programa ay pinangunahan ng mga opisyales ng Federation of Senior Citizen’s Associations of Bayambang, Inc. sa pamumuno ni Pres. Iluminada J. Mabanglo, Office of the Senior Citizen’s Affairs (OSCA) sa ilalim ng kanilang Chairman na si G. Benigno de Vera, at sa gabay ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Sa okasyon ay binigyang-diin ni Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, Municipal Administrator, bilang kinatawan ni Mayor Niña Jose Quiambao ang kahalagahan ng papel ng mga senior citizens sa ating bayan. Aniya, “You shaped our community; we are what we are because of you. You shared your wisdom that is forged by time and experiences. We need you; we need your wisdom. Kayo makakapagbigay ng pinakamaganda at pinaka-sensible na advise. Thank you for all your sacrifices!”
“Don’t forget that you are valued and loved under this administration,” dagdag niya.
Lubos naman ang paghanga ni MSWDO head Kimberly Basco sa mga senior dahil sila aniya ang humubog sa mga magulang natin at huhubog pa sa kanilang mga apo. “Maraming salamat po sa mga gabay, pangaral, at pag-aaruga,” pagtatapos niya.
Bilang handog ni Mayor Niña, nakatanggap ng libreng influenza vaccine ang mga senior citizen sa pag-aasiste ng RHU I.
Binigyang pugay naman ni Vice Mayor Ian Camille Sabangan ang mga senior citizens dahil sa kanilang pakikipagtulungan, dedikasyon, at determinasyon na maging parte ng pagbabago sa ating bayan. Saad pa niya “Ang inyo pong mga kuwento at karunungan ay napakahalaga na gumagabay sa amin at nagbibigay ng inspirasyon na harapin ang bawat hamon ng buhay na may positibong pananaw.”
Ipinarating din ni Coun. Amory Junio ang kanyang pasasalamat sa bawat senior citizens na dumalo. “Balbaleg ya salamat ed sikayon amin, ta sikayo so manlilimpek tan mangiiter ya baleg a suporta. Naipapanengneng yo so pankakasakey, pan-aaroan, pankaabigan, tan panliliketan diya ed baley tayon Bayambang.”
Sa pagtatapos ng programa ay kinilala ang limang bagong Bayambangueñong centenarian. Sila ay nakatanggap ng cake mula sa MSWDO at nakatakdang handugan ng cash gift mula sa LGU-Bayambang na ihahatid sa kani-kanilang bahay, bukod pa sa mandatory P100,000 cash grant mula sa national government.
Senior Citizen’s Week 2023 | 5 Centenarians, Kinilala; Mayor Niña, Naghandog ng Libreng Free Vaccine
Ang lokal na pagdiriwang ng Senior Citizen’s Week ay binuksan ngayong araw, October 9, 2023, sa Balon Bayambang Events Center, sa temang “Resilience of Older Persons in a Changing World.”
Ang programa ay pinangunahan ng mga opisyales ng Federation of Senior Citizen’s Associations of Bayambang, Inc. sa pamumuno ni Pres. Iluminada J. Mabanglo, Office of the Senior Citizen’s Affairs (OSCA) sa ilalim ng kanilang Chairman na si G. Benigno de Vera, at
Sa gabay ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).