Si Senador Bong Go ay namigay ng tulong sa mga magsasaka at 4Ps graduates sa Bayambang, sa pamamagitan ng Local Government Support Fund, noong Nobyembre 28, 2024 sa Balon Bayambang Events Center.
Malugod na winelcome ang senador, kasama ang aktor na si Philip Salvador, ng LGU-Bayambang sa pangunguna nina Acting Mayor Ian Camille Sabangan, Municipal Councilors, Board Member Vici Ventanilla, Board Member Shiela Marie Baniqued, Board Member Raul Sabangan, at Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad.
May 1,000 katao ang nakatanggap kada isa ng P2,500 cash.
Hindi pa rito nagtapos ang mga surpresang ayuda, sapagkat nagdagdag pa si Sen. Go ng dalawang road bikes, dalawang brand new cell phones, at grocery packs, at pati na ang personal watch nito ay ipinaraffle niya sa mga benepisyaryo. (Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan ni: JMB)