Ang DTI-Pangasinan, sa pamamagitan ng Negosyo Center Bayambang, katuwang ang Pamahalaang Lokal ng Bayambang, ay nagsagawa ng seminar na pinamagatang “Digital Marketing: Putting Your Business Online” noong Abril 23, 2025 sa SB Session Hall, Legislative Building.
Layunin ng aktibidad na ito na bigyan ng makabuluhang kaalaman ang mga MSMEs ukol sa social media marketing, e-commerce, at online customer engagement upang mas mapalago at mapaunlad nila ang kanilang mga negosyo sa digital world. (Negosyo Center-Bayambang)