Sektor ng Agrikultura, Pinatatag sa Paghahanda ng Pista’y Baley 2026

Inilatag ang mga aktibidad na magbibigay-diin sa sektor ng agrikultura sa nalalapit na Pista’y Baley 2026, sa pulong ng mga presidente ng mga Farmers’ Association ngayong Enero 14, sa Municipal Agriculture Office Conference Room.

Kabilang sa tinalakay ang pagbubukas ng Animal Impounding Facility, Agri-Trade Fair, at ang Farmers’ Day Celebration, gayundin ang pagtatatag ng KADIWA outlet o farmers’ mini-market bilang direktang pamilihan ng mga produktong agrikultural ng mga lokal na magsasaka.

Ang pulong ay bahagi ng layunin ng pamahalaan na maging sentro ng kapistahan ang sektor ng agrikultura, bilang haligi ng kaunlaran at kabuhayan ng mga Bayambangueño. (WMC/RSO; JMB)