SEE Eco-aides, Nagsagawa ng Clean-up Operation sa Bahagi ng Lumang Bayambang Central School

Upang maging malinis at maayos ang dating Bayambang Central School bilang Parking Area, nagtungo ang ilang eco-aides ng Special Economic Enterprise sa nasabing lugar ngayong araw ng Huwebes, ika-19 ng Pebrero, upang maglinis at isaayos ang mga nakatambak na kahoy, bakal, at mga bote sa may kaliwang bahagi ng Central School.

Nagkaroon din ng segregation ng mga basurang papel at mga plastik na napulot sa winalis na mga dahon.

Ito ay bilang pagtugon ng SEE sa panawagan na mapanatili ang kalinisan sa lumang Central School. (LBC; SEE)