Security Coordination, Isinagawa para sa Ligtas na Kapistahang Bayan

Ang LGU-Bayambang ay nakipagpulong sa tanggapan ni Col. Julius M. Munar, ang Director ng 104th Community Defense Center ng Philippine Army, upang mapagtibay ang seguridad sa gaganaping kapistahang bayan.

Ito ay matapos humiling ang pamahalaang bayan ng tulong para sa deployment ng kanyang mga tauhan sa crowd control, traffic management, at pangkalahatang seguridad partikular na sa gagnaping People’s Night & Street Party sa Abril 1.

Mainit namang sinalubong ang naturang opisyal nina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad at Alpha Company Commander, Lt. Amory Junio, kasama ang kanyang yunit.

Hinikayat din ang mga empleyado ng munisipyo at mga Bayambangueño na maging volunteer reservist ng Philippine Army bilang ambag sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng buong komunidad. (John Paulo Ballesteros/RSO; JMB)