Sectoral Assessment para sa BPRP 3.0, Pinaigting

Bilang paghahanda sa darating na Anti-Poverty Summit sa August 14, 2024, nagkaroon ng Sectoral Assessment Meeting ang BPRAT kasama ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) para maifinalize ang bagong objectives at mga plano para sa Bayambang Poverty Reduction Plan (BPRP) 2024-2028 o ‘BPRP 3.0’ na siyang magpapaigting sa pagpuksa ng kahirapan sa bayan.

Ang Assessment Meeting ay pinangunahan ni BPRAT Chairperson at Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, at ni Mr. Alfredo Antonio ng NAPC, kasama ang mga team leader ng limang development sectors.

Kanilang nirepaso at fininalize ang mga bagong target objectives na nabuo mula sa mga inisyal na assessment, at dinivelop ang mga detalyadong plano at istratehiya para sa implementasyon.

Sa pangatlong araw, inaasahang magkakaroon ng talakayan sa pagitan ng iba’t ibang sektor upang mabuo ang mga nailatag na kanya-kanyang plano at masiguro ang maayos at epektibong implementasyon ng mga ito.

Ang pulong ay ginanap mula August 12 hanggang August 13, 2024 sa Mayor’s Conference Room. (Vernaliza M. Ferrer/ RSO; larawan: JMB)