Ang Municipal Nutrition Committee (MNC) ay bumaba sa tatlong barangay upang magsagawa ng isang Search for Most Outstanding Barangay Nutrition Scholar (BNS) 2024 gamit ang monitoring and evaluation tool ng National Nutrition Council na tinaguriang MELLPI Pro o Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation Protocol.
Ang MNC team, na binubuo ng mga RHU, MLGOO, MSWDO, MAO, PIO, at MNAO staff, ay nagtungo sa Hermoza, Zone VI, at Manambong Sur Barangay Hall upang repasuhin ang mga MOVs o means of verification bilang pruweba ng performance ng kada BNS contender.
Ang mga contender para sa Most Outstanding BNS 2024 ay sina Marites Catalan (Brgy. Hermoza), Christien Garcia (Brgy. Zone VI), at Emalyn Lacerna (Brgy. Manambong Sur).
Ang tatlo ang pinaka-nangibabaw sa mga BNS ng 77 barangays na dumaan sa masusing pre-assessment ng kada district nutrition program coordinator ng LGU.
Aktibong dumalo ang mga Punong Barangay na sina PB Raul Sabangan (Zone VI), Frankie Catalan (Hermoza), at PB Pepito Lasquite (Manambong Sur) sa nasabing monitoring and evaluation activity.
Ang mananalo sa naturang search ang kakatawan sa bayan ng Bayambang sa provincial level ng kumpetisyon, ang Search for Most Outstanding BNS of Pangasinan for 2024. (RSO; MNAO)