Bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan sa Taong Panuruan 2026-2027, nagpamahagi ng mga school supply ang lokal na pamahalaan upang masiguro na walang batang maiiwan o mawawalan ng kagamitan sa pag-aaral.
Sa pamamagitan ng Local School Board sa ilalim ni Mayor Niña Jose-Quiambao, ang mga donasyon ay pormal na tinanggap ng mga school head ng 49 na pampublikong paaralan sa bayan ngayong araw, Abril 20, 2026, sa Balon Bayambang Events Center.
Aabot sa 18,000 na mag-aaral ang mabibiyayaan ng mga gamit pang-eskwela mula sa programang ito.
Ang pondo para sa mga school supply na nagkakahalaga ng P2,077,041.73 ay kinuha mula sa Children’s Welfare Fund ng LGU-Bayambang.
Naniniwala si Mayor Quiambao na mas mapapadali at mapapagaan ang pagpasok ng mga bata sapagkat “this is an investment in the future of our children, dahil kapag may kumpletong gamit mas mataas ang chance na sila ay magtagumpay.” (VMF/RSO; RobC: first photo, AG)





