May 50 focal persons on health and nutrition mula sa mga pampublikong paaralang elementarya sa bayan ng Bayambang ang sumailalim sa isang reinforcement training na hatid ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO).
Isinagawa ang aktibidad ngayong araw, Nobyembre 27, 2025, sa 3rd Floor ng MSWDO Building, Magsaysay St.
Pinangunahan ni Dr. Adrienne Estrada ang paksang pangkalusugan, at kasunod naman si MNAO Venus Bueno para sa usapin sa Yearly School Monitoring.
Tinalakay naman ni Christian Aquino ang Water, Sanitation, and Hygiene in Schools (WASH/WINS) Guidelines at iba pang kaugnay na paksa, habang si Mylene Paclibar ay nagbigay ng diskusyon tungkol sa Hydroponics at School Gulayan Standards.
Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng mga school focal persons sa pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan at pangnutrisyon sa mga paaralan upang masiguro nutrisyon at kalusugan ng mga mag-aaral. (RSO; MSOC, MNAO)










