Ang RHU I ay nag-umpisa noong October 14, 2024, na magsagawa ng school-based immunization (SBI) sa lahat ng mga paaralan.
Kanilang naging target ang mga Grade 1 at Grade 7 students’ para sa booster dose ng measles, rubella, tetanus, at diphtheria, at Grade 4 o mga kababaihang 9 hanggang 14 taong gulang para sa human papilloma virus (HPV) vaccine.
Inabisuhan ng team ang mga ina, magulang, o guardian ng mga bata na pumirma sa consent form, bago mabakunahan ang kanilang mga anak.
Ang mga walang signed consent ay hindi binakunahan. (RSO; RHU I)