Pinulong ng Sangguniang Bayan (SB) ang iba’t ibang Civil Society Organizations (CSO) at Non-Governmental Organizations (NGO) upang talakayin ang proseso ng kanilang akreditasyon, noong Setyembre 4, 2025 sa SB Session Hall.
Pinangunahan ang pagdinig ni SB Committee Chairman People’s Participation, Councilor John Roy Jalac, kasama ang mga miyembro ng komite na sina Councilor Jose Ramos, Councilor Zerex Terrado, Councilor Rhyan de Vera, at ito ay inorganisa ni SB Secretary Joel Camacho.
Naimbitahang resource speaker si ICT Officer or OIC-MPDO Ricky Bulalakaw.
Ang nasabing aktibidad ay regular na isinasagawa upang mas mapalakas ang partisipasyon ng iba’t ibang sektor sa pagpapaunlad ng bayan.
Batay sa dokumento na iniharap kay Vice-Mayor Ian Camille Sabangan sa pamamagitan ni Secretary Camacho, kabilang sa mga nais mapasama sa unang batch na mga CSO at NGO ang sumusunod:
Bani Delicious Ice Cream SLPA, Cluster Organization of Bayambang District 4 Inc., Samahan ng Nagkakaisang Magsasaka ng Carungay Bayambang Pangasinan Inc., Tatarac Farmers Association Inc., Maaron Daraweg Farmers Association Bayambang Pangasinan Inc., Barangay Apalen Farmers Association Inc., Makabagong Magsasaka sa Lipunan ng Bayambang Pangasinan Inc., Barangay Inirangan Farmers Association Inc., Balon Reynado Farmers Association Inc., Bamacada Transport Cooperative, Nagkakaisang Komunidad ng Magsasaka sa Bayambang Pangasinan Inc., Samahang Magsasaka ng Dusoc Inc., Paragos Farmers Association Inc., Bayambang District 7 Cluster Organization Inc., Abanteam Distrito Otso Bayambang Cluster Organization Inc., Amancosiling Norte Farmers Association Inc., Municipality of Bayambang Federation Officers of BHW Inc., at Sta. Cruz Savings and Development Cooperative (SACDECO).
Kasama rin sa listahan ng isinumiteng aplikasyon para sa ikalawang batch ang Dusoc Women’s Association, Samahan ng mga Barangay Kagawad sa Balon Bayambang Pangasinan Inc., at BAYMACDA Transport Cooperative.
Ang pakikilahok ng mga CSOs at NGOs ay mahalaga upang maging mas inklusibo at matibay ang pagpapaunlad ng ating bayan. Sa kanilang pagkilala at akreditasyon, mas lalakas ang tinig ng mga mamamayan sa pagsulong ng kaunlaran.
Inaasahang mas makilala at mabigyan ng mas malawak na papel ang mga organisasyon sa pagpapatupad ng mga programa at proyektong makakatulong sa komunidad. (Charlaine T. Melendez/Wrensley Calimlim/RSO; CTM)





