Ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, sa pangunguna ni Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, ay umattend sa isang refresher course para sa mga re-elected officials.
Ginanap ang “Transformative Leadership for Elevated Governance: Refresher Course for Re-elected Officials” noong September 2-3, 2025 sa Kabaleyan Cove Resort, San Carlos City, Pangasinan.
Ang pagdalo sa naturang aktibidad ay isang requirement ng DILG para sa lahat ng elected officials upang kanilang maintindihan ng lubusan ang kanilang papel bilang mga inihalal na lingkod-bayan. (RSO; SB)




