Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lokal na maabot ang cityhood status, pinulong ni SATOM Dr. Cezar Quiambao, kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, ang pamunuan ng Bayambang Water District (BayWaD) nitong December 2, 2025 sa Mayor’s Conference Room.
Dumalo sa meeting ang mga Board of Directors ng BayWaD na sina Chairman Dir. Marlon Nonato, Vice Chairman Dir. Bernardo Jimenez, Secretary Dir. Rolando Gloria, Dir. Leticia Ursua, at Dir. Bernard Bawing, kasama ang kanilang General Manager na si Mr. Francis J. Fernandez, kung saan tinalakay ang mga maaaring collaborative arrangements na makatutulong sa pag-transition ng Bayambang mula bayan patungong lungsod.
Kabilang dito ang potensyal na papel ng BayWad sa pagtulong sa LGU-Bayambang na maabot ang kinakailangang revenue threshold. Ang pagsusuri sa iba’t ibang mekanismo at legal avenues upang maisama ang operasyon o bahagi ng kita ng BayWaD bilang katuwang na asset na makapagpapatibay sa kabuuang financial standing ng lokal na pamahalaan.
Nagkaroon rin ng bukas na palitan ng ideya hinggil sa mga posibleng steps forward upang masuri nang mas malalim ang feasibility ng partnership at ang mga kinakailangang proseso. (RGDS/RSO;AG)









