Pinarangalan bilang Rank 1 o Most Notable Stakeholder si SATOM, Dr. Cezar T. Quiambao, ng Department of Education Schools Division Office I Pangasinan. Ito ay bilang pagkikala sa kanyang ibinigay na suporta sa pagkakatayo ng Don Teofilo C. Mataban Memorial School sa Brgy. Ligue, kung saan tatlong classrooms at isang opisina nito ay kanyang ipinagawa gamit ang pribadong pondo.
Nakatakda niyang tanggapin ang naturang parangal sa darating na 2025 Local Stakeholders’ Convergence sa ika-21 ng Nobyembre 2025 sa Lingayen, Pangasinan, kasama ang Local School Board sa pangunguna ni Mr. Rolando Gloria, DepEd Bayambang I sa pangunguna ni PSDS, Dr. Longino D. Ferrer, at ang Don Teofilo C. Mataban Memorial School sa ilalim ng Principal nito na si Dr. Ela B. Macaraeg.
Nagpapasalamat naman si Dr. Macaraeg sa lahat ng mga iba pang indibidwal na tumulong sa aplikasyon para sa nasabing pagkilala: SPTA Adviser, Dr. Sherlita F. Baratang; director at scriptwriter, Mr. Noel D. Garcia; standupper, Dr. Leslie Diane B. Agbuya; videographer at editor, Mrs. Jelyn R. Capili; at mga essay writer na sina Mrs. Donna G. Sanchez, Ms. Sheila Marie G. Frias, Mrs. Ma. Theresa C. Mendoza, Mrs. Judith C. Junio, Mrs. Alyssa A. Antonio, Dr. Leslie Dianne B. Agbuya, at Mrs. Joy R. Añasco. (RSO; MLO)

