SATOM CTQ, Dumalo sa Pagpapasinaya ng Hemodialysis Center at Modern Medical Equipment sa BDH

Sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, buong-galak ang pagbati ni former mayor at Special Assistant to the Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, kay Governor Ramon ‘Mon-Mon’ Guico III at iba pang mga Pangasinan provincial government officials sa matagumpay na pagpapasinaya ng mga ito sa mga bagong CT scan, stationary at portable ultrasound, at mga X-ray machine sa Bayambang District Hospital, pati na rin sa groundbreaking para sa bagong hemodialysis center sa naturang ospital na matatagpuan sa Magsaysay St., Brgy. Bical Norte.

Dumalo rin siyempre sa okasyon sina Vice Governor Mark Lambino, mga kinatawan ng Kongreso Arthur Celeste at Eskimo Estrella, BM Shiela Baniqued, BM Vici Ventanilla, Dr. Tracy Lou Bitoy (Coh BDH), mga department heads ng probinsya, mga chief of hospitals, mga iba pang opisyal ng LGU-Bayambang, at mga empleyado ng Bayambang District Hospital.

Ayon kay Gov. Guico, ang pinakahuling proyektong ito ng kanyang administrasyon ay isang katuparan ng kanyang pangakong gawing prayoridad ang kalusugan ng ating mga kababayan sa probinsiya ng Pangasinan.

“Ang mga modernong kagamitang ito ay magpapabuti sa kalidad ng diagnostic services at magpapabilis ng paggamot,” ani Gov. Guico. “Ang bagong hemodialysis center ay magsisilbing pag-asa para sa mga pasyenteng nangangailangan ng dialysis,” dagdag niya. (RSO; AG)