Sa pagdiriwang ng kaarawan ni SATOM, Dr. Cezar T. Quiambao, na kasabay ng kanilang wedding anniversary ni Mayor Niña Jose-Quiambao, muling nagbigay-kasiyahan ang first couple sa pamamagitan ng pamamahagi ng libreng sorbetes sa 77 na barangay ng Bayambang ngayong araw, Nobyembre 17, 2025.
Naging taunang tradisyon na ito ng mag-asawa, isang munting paraan ng pasasalamat at pagpaparamdam ng pagmamahal sa mga Bayambangueño na hindi nila nakakaligtaang ipagpatuloy mula nang sila’y manungkulan.
Ang sorbetes ay gawa ng Bani Delicious Ice Cream, isang homegrown business na nakikipagtulungan sa mga lokal na magsasaka at maliliit na negosyante, kaya’t bawat scoop ay may kasamang suporta sa kabuhayang Bayambangueño.
Magpapatuloy ang pamamahagi hanggang Nobyembre 18, upang matiyak na bawat barangay ay mararanasan ang pakikilahok sa selebrasyon kahit sa munting paraan. (RGDS/RSO; MTICAO)




