Sari-Saring Isyu, Tinalakay sa ExeCom Meeting

Pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao at SATOM, Dr. Cezar T. Quiambao, ang ExeCom Meeting ngayong araw, Marso 18, 2026, sa Mayor’s Conference Room, kung saan dumalo ang mga piling department head upang magbigay ng update sa kanilang mga nagawa at kasalukuyang proyekto, pati na rin ang kanilang mga plano para sa susunod na mga gawain.

Napag-usapan din sa pulong ang iba’t ibang usapin tulad ng budget, planong paglilipat ng ilang tanggapan, GCash financial disbursement service, telephone policy proposal, at ang Tricycle Management Code.

Tinalakay rin ang ilang mga problema at ang mga paraan kung paano ito maaayos at masosolusyunan.

Pinaghahandaan din ang epekto sa bayan ng nagaganap na giyera sa kasalukuyan. (Mark Andrei D. de Luna/RSO; MLO, AG)