Sabayang Pagtatanim ng mga Puno, Isinagawa sa Pugo Evacuation Center

Noong Setyembre 13, 2023, ginugunita ang unang taong anibersaryo ng National Simultaneous Tree Planting Program na ginanap sa Pugo Evacuation Center, sa pamamagitan ng pamamagitan ng sabayang pagtatanim ng puno.

Ang tree-planting activity ay inorganisa ng Liga ng mga Barangay at DILG, sa tulong ng MDRRMO. Ito ay dinaluhan ng 110 na boluntaryo na mga opisyal at miyembro ng Liga ng mga Barangay, empleyado ng LGU, at mga partners mula sa national office at NGOs.

Ang mga boluntaryo ay nakapagtanim 100 na mga punla ng namumungang punongkahoy.

Sa maikling pambukas na programa, ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga katuwang na organisasyon ay nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa mga boluntaryo para sa kanilang dedikasyon na tumulong mapangalagaan ang kapaligiran.