Sa Matinding Rekomendasyon ni MNJQ, DPWH Sec. Dizon, Binisita ang Wawa Bridge!

Dumating si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ngayong araw, Marso 23, 2026, sa Brgy. Wawa, Bayambang, Pangasinan upang magsagawa ng inspeksyon at konsultasyon kaugnay ng konstruksyon ng Wawa Bridge, dahil sa matinding pakikipag-ugnayan at rekomendasyon ni Mayor Niña Jose-Quiambao.

Sa isinagawang pagbisita, nakipagpulong si Dizon sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Niña kasama si SATOM, Dr. Cezar Quiambao, Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, Board Member Raul Sabangan, at lahat ng iba pang miyembro ng Sangguniang Bayan, Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Raijini S. Vidad, at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.

Dumalo rin sa nasabing inspeksyon si Congresswoman Rachel Arenas kasama ang mga kinatawan ng DPWH upang talakayin ang mahahalagang detalye ng proyekto, kabilang ang mga teknikal na aspekto at kasalukuyang kalagayan ng lugar.

Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan ang walang-patid na koordinasyon sa DPWH upang mapabilis ang konstruksyon ng temporary bridge at ng bagong Wawa Bridge at matiyak na mapabuti ang daloy ng transportasyon, pati na rin ang pagpapalakas ng lokal na kalakalan at pagpapalawak ng access sa mga serbisyong panlipunan. (JLT/RSO; RobC (first 4 photos), JMB)