Sa Lamig ng Baha, Init ng Pag-aaruga

Sa gitna ng lamig dulot ng walang humpay na pag-ulan at pag-aalala dulot ng pagbaha, sa tinaguraing panahon ng “nepnep” at “gawat” sa wikang Pangasinan, may isang uri ng init na hindi nagmumula sa araw—kundi sa malasakit.

Isa sa mga orihinal na inisyatibang naisip ni Mayor Niña Jose-Quiambao noon pa man ay ang barangay-serye ng pag-aabot ng munting tulong at pag-aaruga sa mga Bayambangueño na nangangailangan, lalo na sa panahon ng kalamidad. …Gaya na lamang ng pagronda ng kanyang ‘Galila Mangan Tila’ food truck upang maghatid ng libreng bagong lutong lugaw.
(Matatandaang malimit din ang kanyang paglibre ng malunggay pandesal sa mga empleyado, at ice cream naman mula sa Bani Delicious sa lahat ng barangay tuwing may espesyal na okasyon sa panahon ng tag-init.)

Sapagkat para sa isang lider na babae, ang tunay na lakas ay hindi lamang nasusukat sa tapang na humarap sa unos, kundi sa pusong marunong makiramdam, kumalinga, at manatiling kasama ng kanyang mga kababayan sa pinakamalamig nilang mga araw. (RSO; Ronaldo Junio/MTICAO) See less