S.E.E., Nagsagawa ng Weighing Scale Calibration

Ang S.E.E. ay nagsagawa ng weighing scale calibration para sa mga Barangay Nutrition Scholar at Rural Health Unit ng bayan ng Umingan, Pangasinan upang matiyak ang tama at maaasahang pagsukat sa kanilang mga serbisyong pangkalusugan. Layunin nitong masigurong eksakto ang datos sa pagsusuri ng nutritional status ng mga bata at buntis sa kanilang komunidad.