Rotary Club of Bayambang at RC Quezon City, Tinalakay ang Planong Partnership sa LGU

Noong November 26, nagpulong sa pagitan ng mga pinuno ng Rotary Club of Bayambang, na pinangunahan ng bagong pangulo nito na si Leonora Sagun kasama si dating Presidente Maribel Perreras, katuwang si Rotary Club of Quezon City President Johnrey Iguiz Bonus, at Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, upang talakayin ang planong pagtatatag ng isang sister club o sisterhood sa pagitan ng Rotary Club of Bayambang at Rotary Club of Quezon City at kanilang partnership sa LGU-Bayambang.

Layunin ng panukalang ugnayan na magbukas ng mas maraming oportunidad para sa magkasanib na proyekto, programa, at mga aktibidad na magpapatibay sa serbisyong pangkomunidad.

Bilang panimulang inisyatiba, napagkasunduan ang pagdaraos ng “Ukay for a Cause” na idaraos sa Araw ng Fiesta, na inaasahang makapagbibigay ng dagdag-suporta para sa mga programang pangkawanggawa ng bayan. (RSO; Admin)