Pinalawig ng Rotary Club of Bayambang ang kanilang feeding program sa Brgy. Batangcaoa noong February 3, sa pangunguna ni Rotary President Sammy Camorongan Lomboy.
Ang grupo ay naghain ng masusustansyang pagkain tulad ng sopas, lugaw, itlog, at sandwich. Lubos ang pasasalamat ni Punong Barangay Santillan Abalos at kanyang mga kagawad sa naging aktibidad.