Road Clearing, Walang Puknat

Tuluy-tuloy ang road-clearing operations ng LGU, alinsunod sa Memorandum Circular 2023-017 na inilabas ng Department of the Interior and Local Government noong January 25, 2023.

Nagtulung-tulong ang mga miyembro ng Road-Clearing Task Force, kabilang ang BPSO, PNP, BFP, Engineering, BPLO, RHU Sanitary Inspector, Municipal Veterinarian, SEE, at ESWMO kahapon, September 21, 2023, upang isagawa ang isa na namang operasyon sa Brgy. Poblacion Sur, Zone 1, Cadre Site, Nalsian Sur, at Tamaro.

Nagbigay din ang Task Force ng mga demand letter upang mapagsabihan ang mga vendors na magtinda sa tamang lugar at kumuha ng nararapat na business permit.

***

PAALALA UKOL SA ROAD AT SIDEWALK OBSTRUCTIONS

Utos mismo ng Presidente ng Pilipinas ang mahigpit na pagbabawal sa anumang nakabalandra sa ating mga daan at sidewalk.

Kaya naman ang ating Road Clearing Task Force ay regular pa rin sa pagmomonitor upang mapaigting ang batas para sa road at sidewalk obstructions.

Siguraduhin lamang po na ang mga may sasakyan ay umiwas na pumarada sa sidewalk at lahat ng No Parking areas at magpark sa tamang lugar. (Ito ay alinsunod din sa umiiral na Municipal Ordinance ukol rito.)

Ang mga vendor naman ay hindi rin maaaring magtinda sa mga sidewalk na dapat ay para lamang sa mga pedestrian.

Marapat lamang po na sumunod sa batas upang maiwasan ang pagkakaroon ng panganib o peligro sa mga pedestrian at motorista.

Ang sinumang lumabag ay mahaharap sa karampatang parusa.

Ang daan ay para sa motorista. Ang sidewalk ay para sa pedestrian. At kung hindi ay magdudulot ng laking aberya, aksidente, at kaguluhan.