Road Clearing Operations Muli sa Susunod na Linggo

Noong October 10, nagpulong ang Road Clearing Task Force sa Mayor’s Conference Room para planuhin ang pagtanggal sa mga lahat ng nakaharang sa kalsada at sidewalk na nagiging sanhi ng peligro sa publiko at sagabal sa mga pedestrian at maging sa mga motorista.

Ayon sa napagkasunduan ng mga miyembro ng Task Force, sa susunod na linggo ay uumpisahan nang kumpiskahin o baklasin ang mga naturang nakahambalang sa sidewalk upang maimplementa ang batas, alinsunod sa DILG Memorandum Circular 2022-85.

Ang pulong ay pinangunahan nina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, at Road Clearing Task Force Chairman at Bayambang Public Safety Officer, Ret. Col. Leonardo Solomon, at dinaluhan ng mga miyembro ng Task Force, kasama sina Market Supervisor, Atty. Melinda Rose Fernandez; ESWMO head, MENRO Joseph Anthony Quinto; Municipal Health Officer, Dr. Paz Vallo; PNP-Bayambang; BFP OIC Fire Marshall, FSInsp Divina Cardona, at iba pa.