Risks and Opportunities Review and Consultation, Isinagawa

Bilang bahagi pa rin ng pagtalima ng LGU-Bayambang sa ISO quality management standards, isang Risk and Opportunities Register review at consultation ang isinagawa sa Mayor’s Conference Room, ngayong araw, June 16, 2026.

Ang talakayan ay nakatuon sa mga potensyal na risks at opportunities na maaaring makaapekto sa pagpapatupad ng Quality Management System (QMS) ng iba’t ibang tanggapan ng munisipyo.

Sa konsultasyong ito, higit pang napahusay ang mga proseso at natiyak ang patuloy na pagsunod ng LGU sa mga pamantayan ng ISO para sa mahusay at de-kalidad na serbisyo publiko. (KB/RSO; AG)