Risk and Hazzard Assessment sa LGU Offices, Isinagawa

Bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya para sa kaligtasan at kahandaan sa sakuna, nagsasagawa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) kasama ng mga Safety Officers ng Risk and Hazard Assessment sa iba’t ibang opisina ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang.

Ang aktibidad ay naglalayong masiguro ang kaligtasan ng mga tao, matukoy ang mga posibleng sagabal o panganib sa mga lugar ng trabaho, at mapababa ang antas ng pinsala sa oras ng sakuna. Kabilang sa mga layunin nito ang pagtukoy sa kalagayan ng opisina, pagsusuri sa mga hazard-prone areas, at pagpapatupad ng mga angkop na hakbang para sa earthquake safety at risk reduction.

Unang isinagawa ng MDRRMO ang pagsusuri sa Rural Health Unit I (RHU I), na sinundan ng Bayambang Public Safety Office (BPSO). Sa naturang assessment, tinukoy ng team ang mga posibleng panganib at kahinaan ng bawat gusali upang maipakita ang mga kinakailangang aksyon para mapabuti ang kaligtasan at seguridad ng mga empleyado at kliyente.

Ang inisyatiba ay alinsunod sa direktiba ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) na pinamumunuan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, MDRRMC Chairperson, at Ms. Genevieve N. Uy, LDRRMO. Layunin ng pamahalaang lokal na matiyak na ang lahat ng pampublikong pasilidad ay ligtas, maayos, at handa sa anumang uri ng sakuna.

Ang MDRRMO ay magpapatuloy sa pagsasagawa ng mga hakbang sa risk assessment at disaster preparedness upang mapanatili ang kaligtasan, kaayusan, at katatagan ng komunidad ng Bayambang.

Laging tandaan: Ang kahandaan ay susi sa kaligtasan. Maging handa, maging alerto, at laging maging ligtas.