Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) Cash Cards para sa mga Magsasaka ng Palay, Naibigay na!

Inihatid ng Department of Agriculture-Regional Field Office 1 sa opisina ng Bayambang Municipal Agriculture ang 1,823 RFFA 2024 cash cards. Ito ay parte sa kabuuan na cash cards na ipinamahagi noong taong 2024.

Kaya naman, ang LGU-Bayambang, sa pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao, sa pamamagitan ng Bayambang Municipal Agriculture Office, ay agad itong ipinamahagi ngayong araw, June 11, 2025, sa mga magsasaka ng palay sa Municipal Plaza.

Ayon sa DA RFO1, ang mga nasabing cash cards ay mapopondohan ngayong 3rd quarter ng 2025.

Ang financial assistance ay makatutulong sa magsasaka ng palay ng Bayambang upang mas lalo pa nilang mapataas ang kanilang ani at kita. (MAO; JMB)