Noong December 9, 2025, pinangunahan nina Dr. Dave Francis Junio at Dr. Alma Bandong ng RHU ang coordination meeting kasama ang mga magiging katuwang ng LGU Bayambang para sa selebrasyon ng Oral Health Month sa darating na Pebrero 2026.
Dumalo sa pagpupulong ang mga kinatawan mula sa PDA Pangasinan Chapter, JKQ Medical & Wellness Center, Colgate-Palmolive Philippines, Department of Health – Region 1, at Department of Health – National Association of Dentists. Kasama rin ang suporta ng mga Cluster Heads ng Child Development Centers, Municipal Nutrition Action Office (MNAO), MTICAO, at iba’t ibang RHU Units.
Inaasahan ang isang na namang malaking selebrasyon na may iba’t ibang aktibidad para sa kapakanan at mas malusog na ngiti ng bawat Bayambangueño. (DFJ; RHU)





