Mas marami muling mga kababayan ang madudugtungan ang buhay, salamat sa isa na namang mobile blood donation drive ng Rural Health Unit (RHU) at Philippine Red Cross noong ika-24 ng Hunyo, sa Balon Bayambang Events Center.
Ang naturang blood drive ay nakakalap ng 84 blood bags, kung saan naitalang 101 ang registered blood donors, at 84 naman ang successful donors.
Malaking tulong ang blood donation drive na ito upang matugunan ang kakulangan sa supply ng dugo, lalo sa ngayon kung saan higit itong kinakailangan dahil uso na muli ang dengue. (ni Sharlene G. Gonzales/RSO; larawan: Ace Gloria)