RHU, May Paalala ukol sa HIV-AIDS

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV-AIDS sa Pangasinan at sa bayan ng Bayambang, inaabisuhan ang lahat na alamin ang tamang impormasyon ukol sa HIV-AIDS.

Ang human immunodeficiency virus o HIV, kapag napabayaan, ay maaaring humantong sa mas malalang kundisyon na Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS).

NAIPAPASA ANG HIV sa:

Hindi protektadong pakikipagtalik;

Pagbubuntis, pagkatapos manganak, pati pagpapasuso; at

Pagsasalin ng dugo at paggamit ng hindi malinis (non-sterile) na mga karayom (needles/syringes).

HINDI NAIPAPASA ANG HIV sa:

Pisikal na hawakan,

Yakapan o halikan,

Mga damit o kasuotan,

Pagkain o gamit sa pagkain,

Kagat ng insekto.

BAWASAN ANG PANGANIB NG PAGKAKAROON NG HIV:

Maging tapat sa asawa o kinakasama.

Huwag makipagtalik sa kung kani-kanino.

Magpa-HIV test, may nararamdaman man o wala, lalo na kung mayroong risks kaugnay sa posibleng pagkakaroon ng HIV.

Alamin ang tamang impormasyon tungkol sa HIV.