RHU III, Nakiisa sa Worlds AIDS Day 2025

Bilang pakikiisa sa paggunita ng World AIDS Day nitong Disyembre 1, 2025, nagsagawa ang RHU III ng isang hiwalay na lecture at update tungkol sa HIV/AIDS at isang simbolikong candle lighting ceremony sa Moises Rebamontan National High School, Brgy. Carungay.

Ang talakayan ay pinangunahan ni DOH nurse Normin Velasco, na nagbigay ng mahahalagang impormasyon hinggil sa kasalukuyang datos, paraan ng pag-iwas, at tamang pangangalaga upang labanan ang patuloy na paglaganap ng HIV/AIDS. Layunin nitong palakasin ang kamalayan at pag-unawa ng kabataan sa nasabing isyu sa kalusugan.

Umabot sa 156 ang lumahok sa aktibidad — 84 babae at 72 lalaki — na aktibong nakiisa sa diskusyon at seremonya ng pag-aalab ng kandila bilang pag-alala sa mga naapektuhan ng HIV/AIDS at bilang pagpapakita ng suporta sa patuloy na adbokasiya para sa kalusugan at pagkakapantay-pantay.

Patuloy na hinihikayat ng mga RHU ang mamamayan na maging mulat, maalam, at responsableng katuwang sa pagsusulong ng isang komunidad na ligtas at may malasakit. (RSO; RHU III)