Isang outreach activity ang isinagawa ng RHU III, sa ilalim ni Dr. Roland M. Agbuya, noong araw, ika-13 ng Disyembre, sa Brgy. Caturay, para sa mga undernourished na kabataan at pasyente na may mental health condition.
Naging makabuluhan ang nasabing akitibidad dahil nagkaroon din ng maikling lecture ukol sa nutrisyon at kalusugan. May story-telling din tungkol sa kapanganakan ng Panginoong Hesukristo.
Bahagi din nito ay ang mga surpresang regalo sa mga benepisyaryo, dahil nagbigay si Mayor Niña sa pamamagitan ng Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. ng mga laruan at snacks, samantalang ang Victory Bayambang ay namahagi naman ng mini-Noche Buena food pack.
Naroon si MENRO Joseph Anthony F. Quinto bilang kinatawan ng Municipal Administrator at Caturay Punong Barangay Analiza Solomon upang batiin ang lahat ng dumalo at magbigay ng mensahe.