Kamakailan ay matagumpay na nagtapos ang isang information drive ng RHU III ukol sa “Teenage Pregnancy, Maternal and Child Health Care, and Effective Parenting.”
Ayon kay Dr. Roland M. Agbuya, mayroong 618 total participants sa aktibidad na ginanap sa iba’t-ibang venue sa 12 catchment barangays ng RHU III (Carungay, Hermoza, tatarac, Apalen, Pangdel, Malioer, Caturay, Inirangan, Inanlorenza,Reynado, Sanlibo, at Idong).
Naging resource speaker si RHU III Public Health Nurse Jennifer M. Tabuga.