Muling nagconduct ang RHU III kanina ng mobile blood donation kasama ang Region 1 Medical Center sa Brgy. Caturay, kung saan nagkaroon ng 26 registered donors, at 12 sa mga ito ang successful blood donors.
Tumulong din ang Brgy. Caturay Council sa pamamagitan ng pagpapakain sa mga donor at lahat ng staff.
Ayon sa RHU III, ito na ang panghuling barangay na inikutan ng pasilidad sa taong 2023.
Sa kabuuan, sila ay nakakolekta ng 155 blood units sa kanilang catchment area, sa pangunguna ni Dr. Roland Agbuya at Ms. Angel Grace Fabia, RHU III Blood Coordinator.