RHU III (Carungay), PhilHealth-Accredited E-Konsulta Facility Na!

Magandang balita! Ang Rural Health Unit (RHU) III sa Brgy. Carungay ay E-Konsulta, at Animal Bite Treatment Center, at PhilHealth-accredited na!

Ayon kay RHU III head, Dr. Roland Agbuya, nangangahulugan ito na makakaavail na ang mga pasyente ng libreng health services package sa RHU III, at ang PhilHealth ang nakatakdang magbayad ng gastusin sa pasilidad.

Maaari na ring magpatingin at magpabakuna dito ang mga nakagat ng aso o pusa mula sa catchment area ng RHU III. (RSO; RHU 3)