Ang RHU III ay nagsagawa ng isang Cough Caravan – Free Chest X-Ray ngayong araw, Abril 22, 2026, sa Carungay Covered Court, sa pakikipagtulungan sa RCG Premier Foundation Inc.-Philippine Business for Social Progress (RCG-PBSP).
Ang RCG–PBSP ay naglaan ng 200 slots para sa libreng chest X-ray ng mga kliyente sa distrito.
Kabilang sa mga naging benepisyaryo ng aktibidad na ito ay ang mga kapamilya o household contacts ng kasalukuyan at dating TB patients, mga pasyenteng may sintomas, at mga kabilang sa vulnerable groups, kabilang ang may mga co-morbidities. (AGFB/RSO; RHU 3)





