Ang Rural Health Unit III Animal Bite Treatment Center sa Brgy. Carungay ay ginawaran ng accreditation ng Department of Health (DOH) Center for Health Development I.
Matapos ang audit/assessment noong July 25, 2024 ng DOH, ang Certificate of Quality Service ay inisyu ng ahensya noong August 6, 2024 at may bisa hanggang August 5, 2026.
Ang hakbang na ito ay inisyatibo ng RHU III upang masigurong maibibigay sa mga Bayambangueño ang kalidad ng serbisyo ng Animal Bite Treatment Center na naaayon sa patakaran ng Department of Health.
Dahil lisensyado na ng DOH ang RHU III Animal Bite Treatment Center, maaari na itong magsilbi sa mga kliyente na kinagat o nakalmot ng hayop tulad ng aso o pusa. ‘Di na rin kailangan ng mga taga-distrito at mga katabing barangay na magtungo sa Municipal Health Office (MHO o RHU I) sa bayan o sa Bayambang District Hospital upang magpa-assess at humingi ng intervention (advice, injection, atbp.). (text: RHU III/RSO; photos: RHU III)