RHU III, Adolescent-Friendly Health Facility Level II

Natanggap ng RHU III ang Certificate of Compliance mula sa Provincial Health Office matapos nilang makumpleto ang mga kinakailangang requirements ng Department of Health upang maging isang Adolescent-Friendly Health Facility Level II.

Ang sertipiko ay isang katibayaan sa abilidad ng RHU III na makatulong sa mga kabataan na nangangailangan ng medical at health services na akma sa kanilang sektor, kabilang na ang counseling services.

Ang Certificate of Compliance ay iginawad ng Provincial Health Office noong March 11, 2024.