Nakiisa ang RHU II sa pag-obserba ng World AIDS Day noong Disyembre 1, 2025, na may temang “Overcoming Disruption, Transforming AIDS Response.”
Bilang parte nito, ginanap ang isang programa sa A.P. Guevarra Integrated School sa Brgy. Manambong Norte at dinaluhan ito ng 360 kalahok mula sa iba’t ibang sektor.
Bilang pangunahing tagapagsalita, tinalakay ni DOH nurse Roger Ian dela Peña ang mga mahahalagang kaalaman hinggil sa HIV at AIDS, kabilang ang tamang impormasyon, stigma reduction, at patuloy na pagpapalakas ng mga programang pangkalusugan para sa mas epektibong AIDS response sa komunidad.
Magkakasabay din itong isinagawa ng RHU I, RHU II, at RHU III, bilang bahagi ng kanilang koordinadong kampanya upang itaguyod ang kamalayan at kaligtasan ng mga Bayambangueño laban sa HIV/AIDS.
Patuloy na nananawagan ang LGU Bayambang at mga Rural Health Unit sa publiko na maging maalam, bukas ang isipan, at aktibong makilahok sa mga programang pangkalusugan tungo sa mas ligtas at mas malusog na komunidad. (RSO; RHU II)




