Nagsimula nang mag-ikot sa barangay ang RHU II upang magsagawa ng information-education campaign sa teenage reproductive health na pinamagatang “Ang Maagang Pagpapamilya ay Hindi Sagot sa Problema.”
Isinagawa ang IEC sa Ambayat Integrated School noong March 21, 2024 na dinaluhan ng 138 participants at A.P. Guevarra Integrated School noong March 22, 2024 na dinaluhan ng 241 participants.
Layunin ng IEC na matigil na ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan at matutunan kung paano panatilihing healthy ang kanilang mental health para maiwasan ang depression na humahantong sa suicide.