Nagsimulang magsagawa ng information-education campaign ang Rural Health Unit II patungkol sa Teenage Pregnancy at Mental Health noong February 24 at ngayong araw, February 25, 2026 sa A.P. Guevarra Integrated School at Ambayat Integrated School.
Ang tema ng nasabing lecture ngayong taon ay P.A.S.Y.A., “Proteksyon ng Aming Sarili, Yaman ng Aming Kinabukasan.”
2/24/2026
A.P. Guevarra Integrated School
Grade 7-12
Participants:400
2/25/2026
Ambayat Integrated School
Grade 7-12
Participants:230
As of January 2026, mayroon nang 27 cases ng teenage pregnancy at 5 cases ng suicide, layunin ng lecture na ito na tulungang pigilan ang pagtaas ng kaso ng mga kabataang maagang nabubuntis at nakakabuntis.
Isa pang layunin ay ang maiwasan ang anumang kaso ng suicide sa ating bayan. (Ron Cristobal/RSO; RHU II)





