Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ADHD Awareness Week, nagsagawa ngayong araw, Oktubre 14, 2025, ang Rural Health Unit I (RHU I) ng isang medical at dental mission para sa mga mag-aaral na may special needs sa Bayambang Central School.
Sa naturang aktibidad, 36 na mag-aaral ang sumailalim sa konsultasyong medikal, 36 din ang nakatanggap ng dental fluoride application, at kaparehong bilang ang nabigyan ng mga gamot.
Layunin ng programang ito na mapangalagaan ang kalusugan ng mga batang may espesyal na pangangailangan at maisulong ang kamalayan ng komunidad tungkol sa ADHD at iba pang kondisyon na nangangailangan ng masusing atensyong medikal. (RSO; RHU I)






