Mula July 29 hanggang August 28, 2025, ang mga nurse ng RHU I ay umikot sa mga barangay upang magsagawa ng mga health promotion activity sa pamamagitan ng information drive ukol sa mga sakit na TB at HIV.
Sila ay natungo sa Brgy. Tanolong kung saan nagkaroon ng 24 na kalahok, Batangcaoa 35 na kalahok, Maigpa 32 na kalahok, Buenlag 1st 30, Buenlag 2nd 30, at Mangayao 36, kaya’t sila ay nakapaglecture sa may kabuuang 187 katao.
Ipinaalam ng RHU team na sila ay namimigay din ng libreng anti-TB medication para sa anim na buwan sa sinumang pasyenteng na-diagnose na may TB.
Ayon sa RHU, ang unang senyales ng HIV infection ay TB, kung kaya’t minabuti nilang magsagawa ng health promotion activity kung saan magkasama ang dalawang paksa sa iisang usapin. (RSO; RHU I)








